-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang padre de pamilya habang nakaligtas naman ang iba pang myembro ng pamilya nito matapos sugudin at pag babarilin sa kanilang tahanan sa Sitio Loob, Brgy Bignay 1, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Arniel Abdon, 39-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napagalaman habang naguusap-usap ang pamilya ng biktima sa kanilang bahay ng bigla na lamang dumating ang suspect na si Sofio Aguado , 57-anyos.

Kung saan pinag babaril nito ang biktima ngunit swerte namang wala ng iba pang nadamay sa nasabing krimen.

Ayon dito, dati na umanong may hindi pagkakaintindihan ang nasabing magkabilang panig.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspect at kasalukuyang nag papagaling dahil sa tinamong tama ng bala sa kabilang paa nito dahil sa self-accident.