Natagpuang wala nang buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos magpakamatay sa Brgy. Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Cezar Vejerano, 55, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSg. Erwin Salcedo ng Baao-PNP, sinabi nito na una nang nakita ang biktima ng kanyang anak na babae na nakabitin sa loob ng kanilang bahay gamit ang isang nylon cord na itinali sa pinakamataas na parte ng kisame ng kanilang bahay.

Ayon kay Salcedo, ilang minuto matapos ang insidente ay agad naisugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Base sa imbestigasyon, napag-alaman na kasalukuyang nakakaranas ng mild stroke ang biktima kung saan pinaniniwalaan ito ang pinag- ugatan ng depression nito.

Nabatid din na una nang uminom ng alak ang biktima bago isinagawa ang agpapakamatay.

Samantala, binigyang-diin naman ni Salcedo na walang nangyaring foul play sa nasabing insidente.