NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos aksidenteng mahulog sa bangin sa Sitio Bulalahin, Brgy Tible, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ruel Llanita, 30.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Allan Macoy, hepe ng Sipocot-PNP, sinabi nitong umaga ng umalis sa kanilang bahay si Llanitapara pumunta sa kanyang sakahan.

Ngunit gabi na aniya kahapon ay hindi pa rin ito nakakabalik kung kaya agad nang hinanap ng kanyang pamilya.

Hanggang sa natagpuan ang katawan nito sa bangin na halos nasa 25 talampakan ang lalim at may tama sa ulo at katawan.

-- Advertisement --

Pinaniniwalaang aksidenteng nahulog ang biktima sa naturang lugar na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang nakatakda namang isailalim sa otopsiya ang bangkay nito.