-- Advertisements --

Ibinahagi ni dating Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang ginagawang ensayo para sa nalalapit ntiong exhibition fight kay South Korean DK Yoo sa Disyembre.

Sa ginawang training sa kaniyang gym sa General Santos ay makikita ang pagsuntok nito sa bag at mitt work outs.

Sa nasabing laban sa Disyembre 11 sa Korea ay mapupunta ang pera para sa mga walang bahay sa Pilipinas.

Nauna ng pumirma ang dating senador ng kontrata para labanan ang dating sparring partner nito na si Jaber Zabayani ng France na gaganapin sa Pebrero sa susunod na taon.