-- Advertisements --

Sinimulan na ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang kaniyang ensayo para sa nalalapit nitong pagbabalik sa boxing ring.

Isinagawa nito ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagtakbo sa Pan Pacific Park sa Los Angeles.

Ayon sa 46-anyos na dating senador na isang panibagong kabanata sa kaniyang buhay kung saan siya ay inspirado at puno ng motibasyon.

Handa aniya nitong ipakita sa mundo ang kaniyang mga kakayahan pa.

Inialay din nito ang laban para sa mga boxing fans niya na hindi pa natatapos ang laban.

Nakatakdang labanan ng eight-division boxing champion Pacquiao si Mario Barrios para sa WBC welterweight championship sa darating na Hulyo 19.

Bago nito ay tatanggap naman ng pagkilala si Pacquiao sa buwan ng Hunyo matapos na ma-induct siya sa International Boxing Hall of Fame.

Huling laban ni Pacquiao ay noong 2021 kung saan tinalo siya ni Yodernis Ugas ng Cuba.

Matapos noon ay nagkaroon ito ng ilang exhibition fight kabilang na ang anim na round na laban kay DK Yoo ng South Korea noong Disyembre 2022.