-- Advertisements --

Pormal nang sinibak ng PDP-Laban Cusi wing si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang partido dahil sa paglabag nito sa kanilang patakaran.

Ang notice of expulsion, na may petsang Oktubre 4, ay nilagdaan ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag.

Sinabi ni Matibag na nag-ugat ang pagpapatalsik kay Pacquiao matapos na maghain ang tinaguriang fighting senator ng kanyang certificate of candidacy para sa 2022 elections sa ilalim ng PROMDI party.

Magugunita na si Sen. Bong Go ang siyang napili ng PDP-Laban Cusi wing bilang kanilang presidential candidate sa 2022 polls, pero hindi ito tinanggap ni Go.

Sa halip, ang inihaing COC ni Go ay para sa pagtakbo niya bilang bise presidente sa halalan sa susunod na taon sa ilalim ng PDP-Laban Cusi wing.

Nauna nang hiniling ng PDP-Laban Cusi wing sa Comelec para ideklara si Pacquiao at Sen. Koko Pimentel, heads ng iba sa kanilang PDP-Laban faction.