-- Advertisements --
Tinapos na ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang pagdududa ng marami ukol sa nalalapit niyang laban.
Sa kaniyang social media account ay kinumpirma ang pagbabalik niya sa boxing ring.
Ibinahagi nito ang poster ng laban niya kay Mario Barrios sa darating na Hulyo 19 sa Las Vegas.
May caption pa ito na handa itong gumawa ng kasaysayan.
Matapos kasi ang apat na taon ay muling lalaban ang 46-anyos na si Pacquiao.
Huling lumaban ito noong 2021 ng talunin siya ni Yordenis Ugas ng Cuba.
Kasalukuyang nasa America si Pacquiao bilang paghahanda sa nasabing laban.