-- Advertisements --

Inaayos na ng Philippine Olympic Committee ang posibilidad na pagsabak ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa Paris Olympics sa susunod na taon.

Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino, na kinausap sila ng kampo ng dating senador at sinabing interesado itong lumaban sa Olympics.

Dagdag pa ni Tolentino na hindi na maaring makapag-qualify pa si Pacquiao sa Asian Games sa Hangzhou sa susunod na buwan.

Ito ay dahil sa over-age na ang 44-anyos na dating senador kung saan hanggang edad 40 lamang ang mga kuwalipikadong edad sa Asian Games.

Nakausap na rin aniya ni Tolentino ang mga opisyal ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) at ang International Olympic Committee (IOC) ukol sa nasabing usapin.

Magugunitang ang IOC na ang namamahala sa boxing competitions sa Paris matapos ang suspensyon ng International Boxing Association.

Nagbigay naman ng kaparaanan ang IOC kung paano makapag-qualify si Pacquiao ito ay sa pamamagitan ng university exemption mula sa IOC o sa pamamagitan ng grueling qualification tournaments na naka-schedule sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan ay may timbang si Pacquiao na 66 kilograms at maaring lumaban ng hanggang 63.6 kilos o 71 kgs. division sa Paris.