pacquiao pacman ring
-- Advertisements --

Muling ipinaabot ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang todong pasasalamat sa mga kababayan at sa mga fans sa buong mundo na tumangkilik sa kanilang laban nitong nakalipas na Linggo ng kampeon na si Yordenis Ugas.

pacquiao pacman ring

Lubos ding nagpasalamat si Pacman sa Poong Maykapal dahil sa ibinigay sa kanyang lakas upang lumaban sa itaas ng ring.

Hindi rin nakalimutan ni Pacquiao na batiin si Ugas at ang team nito.

Bagamat iba ang nais niyang mangyari sa resulta sa laban.

Ipinagmalaki rin ni Pacman ang pagdala sa pangalan ng Pilipinas sa ibang bansa.

-- Advertisement --

Muli na namang nag-sorry si Pacquiao dahil sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay wala siyang pasalubong na panalo.

Sa kabila nito, ginawa naman daw niya ang lahat laban kay Ugas.

“Thank you to the fans all around the world who were watching. Thank you to every Filipino that has ever supported me. I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best. From the bottom of my heart, THANK YOU! God bless you all!