ROXAS CITY – Ramdam ni Senator Manny Pacquiao ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Capizeño sa kanyang padating sa Roxas City airport.

Imbitado ng Filamer Christian University ang fighting senator na maging guest speaker sa commencement exercises ngayong hapon.

Sa naturang event ay gagawaran ng Doctor of Humanities (Honoris Causa) ng nasabing unibersidad ang Pinoy ring icon.

Samantala, personal na nagbigay ng update si Pacman sa mga Capizeño fans hinggil sa ginagawang training para sa nalalapit nilang laban ni World Boxing Association Super champ Keith Thurman sa darating na Hulyo 20 sa Estados Unidos.

Ayon sa senador, binibigyan niya ng oras ang training at pagpapahinga dahil parehong kailangan ito ng kanyang katawan.