-- Advertisements --
Walang sinayang si Filipino boxing icon Manny Pacquiao na oras para paghandaan ang laban niya kay WBC welterweigth champion Mario Barrios.
Habang nasa Wild Card gym sa California, ay tuloy-tuloy ang kaniyang ginagawang mga ensayo.
Sa loob ng apat na ay muling nagkita ang 46-anyos na si Pacquiao at ang beteranong boxing coach na si Freddie Roach.
Huli kasing nagkasama ang dalawa ay noong laban niya kay Yodernis Ugas ng Cuba para sa WBA 147 lbs. belts.
Kabilang si Roach ang at trainer nitong si Buboy Fernandez na magsasanay sa dating senador para sa pagbabalik sa boxing ring ni Pacquiao.
Magugunitang nitong araw ng Linggo na nagtungo sa US si Pacquiao para sa training para sa laban niya sa buwan ng Hulyo.