Nagharap sa isang billiard exhibition sina Filipino boxing champion Manny Pacquiao at billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes.
Isinagawa sa lungsod ng Makati ang 10 ball match event ng dalawang sports icon ng bansa na pinamagatang ” “The Legends: Manny Pacquiao and Efren Reyes Exhibition Game”.
Hawak ni Reyes ang kalamangan na 5-2 matapos ang ikapitong rack pero nagawa pang makahabol si Pacquiao sa 5-4 sa ika-siyam na laro.
Pagpasok ng ika-10th rack ay doon na tinapos na Reyes ang laro.
Ikinatuwa ni Reyes na makaharap muli ang boxing champion kung saan umaasa siya na sa nasabing exhibition game ay muling magkakaroon ng interest ang mga Pinoy sa larong billiards.
Labis naman na namangha si Pacquiao na makaharap si Reyes para masubukan ang galing nito sa nasabing sports.
Pabiro pa ni Reyes na wala itong kalaban-laban sa pagharap niya kay Pacquiao sa boxing at tiyak na tulog ang aabutin niya agad.