-- Advertisements --

Kinontra ni PDP-Laban acting president at Sen. Manny Pacquiao ang resolusyon ng ilan sa kanilang partido na nagtutulak na tumakbong bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pacquiao, walang pahintulot sa kanilang mga opisyal ang ginagawa ng iba para magkaroon ng pagkakawatak-watak sa ruling party.

Isa sa pinangalanan ng senador si Energy Sec. Alfonso Cusi, na nasa likod umano ng pinaiikot na resolusyon.

Para kay Pacquiao, nakakagulo ang mga ganitong hakbang sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa ngayon.

Pero nilinaw nitong hindi niya nais awayin si Cusi, kundi ibig lang niyang ipabatid na hindi siya ang tipo ng opisyal na pwedeng paikutin at paglaruan para sa pansariling interes.

-- Advertisement --