Tinanggap na ni Manny Pacquiao ang fight challenge sa kanya ng American boxer na si Errol Spence.

Ito’y matapos na manalo ang 29-anyos na si Spence ngayong araw sa laban nila ni dating undefeated Mikey Garcia sa Arlington.

Sa naturang laban na pinanood mismo ni Pacquiao ng live, napanatili ni Spence ang kanyang hawak na IBF (International Boxing Federation (IBF) welterweight championship belt sa ikatlong pagkakataon.

Para kay Spence, isa nang “legend” si Pacman sa larangan ng boxing at malaking karangalan na sunod niyang makalaban ito.

Iginiit naman ng 40-year-old Pinoy ring icon na handa siya sa hamon na ito at bibigyan daw nila ang kani-kanilang mga fans ng isang magandang laban.