GENERAL SANTOS CITY – Nakauwi na sa Lungsod ng Heneral Santos si Senator Manny Pacquiao kasama ang buong pamilya nito.

Mapapansing nakasuot ng face shield at naka-surgical gloves ang mag-asawang Pacquiao pati ang mga anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Michael Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at Israel Paquiao.

Nang lumapag ang eroplano ay diretso agad ang buong pamilya sa kanilang sasakyan.

Nabatid na ilang buwan din namalagi sa Metro Manila ang pamilya Pacquiao matapos abutan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Bilang pagsunod sa health protocol, sasailalim ang Pinoy ring icon at mag-iina nito sa 14 days quarantine sa kanilang resort na nasa Taluya Glan, Sarangani Province.