NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki na magdedeliver sana ng mga marijuana sa Bicol.

Nahuli ang suspek na si Vincent Miguel Salongga na mula sa San Francisco Gen. Trias Cavite City sa anti-illegal drug operations ng mga otoridad sa Barangay San Roque Pobacion, Bula Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Giovanni Balden, tagapagsalita ng Bula-PNP, sinabi nitong narekober sa suspek ang apat na bloke ng marijuana na nasa dalawang kilo ang bigat at tinatayang nasa mahigit P200,000 ang halaga.

Ayon kay Balden, mayroon pa umanong nakalagay na markings sa marijuana na “for Bicol”.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.