-- Advertisements --

Nagwagi ang Indiana Pacers sa Game 3 ng 2025 NBA Finals, kaya sila na ang may 2-1 na bentahe laban sa Oklahoma City Thunder.

Nagpakitang-gilas ang Pacers sa second half, kung saan Tyrese Haliburton bumawi at nagbigay ng clutch plays para sa kanyang koponan.

Si Bennedict Mathurin ay sumabak mula sa bench, at umiskor ng 14 puntos sa loob ng anim na minuto, dahilan para manatiling mainit ang laban ng Indiana.

Matindi rin ang pagsisikap mula sa Thunder, lalo na kay Shai Gilgeous-Alexander, pero bumangga sila sa matibay na depensa ng Pacers sa huling minuto.

Dahil sa panalong ito, dalawang tagumpay na lang ang Indiana Pacers bago sila itanghal na NBA champions sa unang pagkakataon.

Magugunitang noong Game 1 ay ginulat ng Pacers ang homecourt ng Thunder at nahabol nila ang 15 points hanggang makuha ang dikit na panalong 111-110.

Pagdating naman ng Game 2 ay hindi na hinayaan ng OKC na maulit ang bangungot ng Game 1 kaya nila tinambakan ang Pacers 123-107.

Ang tanong ngayon ng mga basketball analyst, kung makakagawa kaya ng mala-Game 2 na eksena ang Thunder para hindi sila lubhang ma-dehado.