-- Advertisements --

Naghain ng kasong graft and corruption ang isang doktor laban kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa Office of the Ombudsman dahil sa di-umano’y pag-protekta nito sa mag-asawa na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.

Sinamahan ni Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAG-Maharlika) Secretary-General Edwin Cordevilla si Dr. Chao-Tiao Yumol sa pagsasampa ng naturang kaso.

Bukod dito ay kinasuhan din si Belgica ng grave misconduct, gross neglect of duty, code prejudicial to the best interest of service, Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa 17 pahinang reklamo, isiniwalat ng doktor ang di-umano’y ibang pangagasiwa ni Belgica sa mga reklamo laban kay Basilan Mayor Rosita Furigay at asawa nito na si Vice Mayor Roderick Furigay.

Ayon pa kay Yumol, sangkot ang mag-asawa sa pagbebenta ng iligal na droga at inilabas din nito ang umano’y tiwaling gawain ng mag-asawa sa kaniyang social media account.