-- Advertisements --

Nakatakdang ipatayo sa Central Luzon ang isang agricultural trading hub na nagkakahalaga ng $152-million o katumbas ng P8.5B.

Ang agri hub na ito ay nakatakdang ipatayo sa loob ng Clark Civil Aviation Complex sa probinsya ng Pampanga.

Tatawagin ang agri hub bilang Clark National Food Terminal kung saan batay sa inisyal na plano ay magsisilbi itong sentro ng pagsasaliksik para sa sektor ng agrikultura, quality control, bodega ng mga agricultural products, food processing, international shipping, at market services.

Inaasahan ding magsisilbi itong trading center para sa mga local at at foreign markets.

Ang Clark National Food Terminal ay planong ipatayo sa 64-hectare na bahagi ng Clark Internatioanl Airport kung saan konektado ito sa mga pangunahing kalsada o road networks na nagkukunekta sa Hilangang Luzon at Timog Luzon.

Ayon sa Clark management, bahagi ito ng pagnanais na makatugun sa food security ng bansa, at matulungan ang paglago ng sektor ng pagsasaka.

Bagaman isasagawa pa lamang ang feasibility studies para rito, target ng pamahalaan na makumpleto ang naturang programa sa loob ng dalawang taon.