-- Advertisements --
download

Matagumpay na nakumpiska ng mga awtoridad ang P8.4M na halaga ng smuggled cigarettes sa lungsod ng Zamboanga.

Kasunod ito ng isinagawang seaborne patrol ng Zamboanga 2nd Mobile Force Company at Bureau of Customs sa karagatang sakop ng Barangay Maasi ng mamataan nila ang isang motorized banka o jungkong na may marked na Lautanmas 3.

Kaagad silang nagsagawa ng inspection at tumabad sa kanila ang mahigit 200 master cases  ng ibat-ibang klase ng imported cigarettes.

Ito ay may tinatayang halaga na aabot sa P8.4 million.

Limang crew ng naturang banka ang inaresto matapos na mabigong mag presenta ng mga kaukulang dokumento na magpapatunay sa legalidad ng kanilang pagbiyahe sa naturang kargamento.

Ang naturang bangka ay patungo sana sa Zamboanga Sibugay mula sa Sulu ng maharang ito ng mga awtoridad.

Dinala naman ang mga nakuhang kontrabando sa headquarters ng 2nd Mobile Force Company bago iturnover sa pangangasiwa ng  Bureau of Customs.