Hindi bababa sa P70 million ng COVID-19 response funds ng gobyerno ang hindi napunta sa mga kwalipikadong benepisyaryo, ayon sa Commission on Audit (COA).
Ito ay nakasaad sa ilalim ng Performance Audit Report ng COA sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), isang programa ng gobyerno na nagbigay ng suportang pinansyal sa mga apektadong manggagawa sa panahon ng pandemya.
Sinabi ng state auditors na ang P70.26 million CAMP fund ay ibinigay sa 14,052 beneficiaries kung saan 6,214 ang “ineligible” habang ang 7,838 ay “probably ineligible beneficiaries” dahil nakatanggap na sila ng financial assistance mula sa iba pang financial support programs ng gobyerno tulad ng Small Ang Business Wage Subsidy Program ng Social Security System (SSS) at Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development at ang kanilang buwanang kabuuang suweldo ay lampas sa P40,000 threshold.
Ayon sa COA, umaasa lamang ang Department of Labor and Employment sa self-declaration ng mga aplikante dahil walang available at kumpletong centralized database na magsisilbing batayan para matukoy kung nakatanggap na ng tulong pinansyal ang isang aplikante mula sa ibang mga programa.
Bukod dito, tanging ang DOLE, Department of Finance (DOF), at SSS ang nagkaroon ng data sharing agreement sa kanilang mga benepisyaryo.
Binanggit ng mga state auditor na sa ilalim ng Implementing Guidelines of Bayanihan 2 Law, ang mga subsidies o benepisyo na natatanggap mula sa mga kasalukuyang programa ng tulong pinansyal ay isasaalang-alang sa pagkalkula ng subsidies na matatanggap upang maiwasan ang hindi awtorisadong pagtanggap ng maramihang mga beneficiaries.