-- Advertisements --

Inihayag ng mga may-ari ng maliliit na supermarket na hindi nila kayang ibaba ang presyo ng asukal sa P70 kada kilo, bilang tugon sa apela ng gobyerno.

Sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarket Association (PAS) president Steven Cua na “unfair” sa mga maliliit na supermarket dahil ang pagbaba ng presyo sa P70 ay nangangahulugan ng malaking pagkalugi na hindi nila kayang bayaran.

Dagdag pa niya na kayang-kaya ng mga malalaking supermarket ang pagkalugi dahil mayroon silang kapangyarihan sa mga supplier, at isa pa, maaari nilang hilingin pabalik sa gobyerno ang pabor na kanilang ginagawa.

Sinabi rin ni Cua na sa totoo lang, ang pagbebenta ng asukal sa halagang P70 kada kilo ay nangangahulugan ng malaking pagkalugi na ang mga malalaking supermarket lamang ang may kaya na bayaran.

Dahil dito, sila ay umaapela sa gobyerno na makipag-usap sa mga mangangalakal ng asukal upang bigyan ang mga maliliit na supermarket ng washed sugar sa halagang P68 kada kilo.