-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Php7 billion na budget para sa pagpapalawig ng service contracting program (SCP) para sa mga tsuper ng public utility vehicle (PUVs).

Bilang pagtulong ito sa mga nasabing indibidwal kasunod ng bigtime oil price hike sa loob ng magkakasunod na linggo.

Sa isang pahayag ay sinabi ng DBM na layunin na SCP na magbigay ng cash subsidies sa mga PUV drivers at tiyakin ang efficiency at safety ng public transport services sa gitna ng kasalukyang krisis sa kalusugan at ekonomiya na hinaharap ng bansa.

Ibinahagi na rin daw ng DBM sa Department of Transportation (DOTr) ang nasabing budget para naman sa implementasyon ng nasabing programa.

Dito makakatanggap ng on time payout na nagkakahalaga sa Php4,000 at weekly payments batay sa kilometrong nilakbay kada linggo, may pasahero man o wala, ang mga driver at operatos na lumahok sa libreng sakay program ng pamahalaan.

Samantala, makikipagtulungan naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga priyoridad na local government units upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa at masigurong wasto ang pamamahagi ng cash subsidies.

Ito ay upang mapadali na rin ang broad engagement ng mga public transport cooperatives, asosasyon, o korporasyong tumatakbo sa kanilang mga nasasakupan.