Naglabas ang Deparment of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P7.68 billion na tulong pinansiyal para sa mahigit 7 million mahihirap na pamilyang Pilipinong benepisyaryo sa ilalim ng targeted cash transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).
Ito ay matapos na aprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman noong Martes, Mayo 16 ang paglalabas ng Special Allotment Release Orders (SARO) na nagkakahalaga ng PHP7,684,844,352.
Ayon sa DBM, saklaw sa bilyun-bilyong pondo ang natitirang dalawang period para sa program ng DSWD.
Sinabi din ni Pangandaman na ang paglalabas ng naturang pondo ay indikasyon ng mariing commitment ng Marcos administration para matulungan ang mga mahihirap na sambahayang Pilipino.
Ang targeted cash transfer ng DSWD ay nagbibigay ng unconditional cash transfers na PHP500 kada buwan sa loob ng anim na buwan sa tinatayang 12.4 household sambahayan.
Layunin nito na maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang non-fuel commodities sa mga vulnerable populations ng bansa.
Noong nakalipas na taon, naglabas ang DBM ng kabuuang P19.43 billion para programa ng DSWD.