-- Advertisements --
gsis 1

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad.

Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility.

Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, partiluar na inilaan ang naturang loan asistance para matulungan ang mga nangangailangang miyembro at pensioners nito sa kasagsagan ng kalamidad.

Paliwanag ng GSIS na maaaring makahiram ang mga miyembro at pensioners na may existing emergency loan balance ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang nagdaang emergency loan balance at maaaring makatanggap ng maximum net amount na P20,000 para sa bagong loan.

Habang ang mga miyembro at pensioners naman na walang existing emergency loan ay kwalipikadong mag-apply para sa loan na P20,000.

Ang naturang emergency loan mula sa GSIS ay mayroong 6% interest rate na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.

Mayroon din itong kasamang redemption insurance feature para matiyak na mabayaran ng buo ang balance.