Malaking tulong umano para sa malalaking programa ng administrasyon ang P61.3-bilyon na halaga ng kabuuang remittance ng mga government owned and controlled corporation (GOCC) sa pamahalaan.
Pinuri ni Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III ang pagsisikap ng kanyang Corporate Affairs Group para maitala ang record high dividend mula sa 53 GOCC.
Ayon sa kalihim, pinaka-makikinabang sa kita ng mga korporasyong pag-aari ng gobyerno ang malalaking programa gaya ng Build, Build Build at sweldo ng uniformed personnel.
Bukod dito, magagamit din daw ng pamahalaan ang naturang kita bilang pondo sa ayuda ng mga magsasaka sa ilalim rice tariffication law.
Sa ilalim ng Republic Act 7656, mandato ng mga GOCC magdeklara o mag-remit ng 50-percent ng kanilang annual earning sa pamahalaan.
“The dividends collected by the national government help offset the subsidies given out to state enterprises performing crucial social functions.”
“They will go a long way in helping us hold down deficits and continue funding the infrastructure and social programs of President Duterte.”