Reading Time: 1 minute

Patay ang dalawang drug suspect matapos umanong manlaban sa gitna ng buy bust operation sa Pasig City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jalal “Bon Jovie” Salamoden at Sampiano “Sonny” Rason.

Batay sa ulat ng National Capital Police Region Office (NCRPO), pinaputukan ng isa sa mga suspek ang undercover agent ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang mabatid na otoridad ang kanilang kapalitan ng pinaghihinalaang iligal na droga.

Nagtangka pa raw tumakas ang dalawa nang sumakay sa motorsiklo at patuloy na pinagbabaril ang mga operatiba.

Nakuha mula sa dalawa ang P6.8-milyong halaga ng suspected shabu.

Kabilang sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu; tatlong plastic pack; at apat na bundle ng P1,000.

May mga uri rin ng armas na nasabay tulad ng isang caliber-.45 pistol marked American classic; isang caliber-.9 MM pistol marked noringco; assembly magazine of caliber-.45; assembly magazine of caliber-.9 MM; several rounds of ammunition, at motorsiklo.

Ayon sa NCRPO, pinaghihinalaang miyembro ang dalawa ng criminal gang na pinamumunuan ng isang Amin Imam Buratong na nakakulong sa New Bilibid Prison.