-- Advertisements --

CEBU CITY – Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165 ang kakaharapin ng isang 59-anyos na suspek sa Cebu, matapos na makuha ng mga awtoridad ang hindi bababa sa P6.8 milyones na halaga ng iligal na drugas.

Nadakip sa isang buy bust operation na ikinasa na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) kahapon ng hapon si Nestor Rosal, na taga- Purok 4 Barangay, Kamputhaw.

Si Rosal ay isang high-value target (HVT) ng mga awtoridad at aabot sa isang kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat sa kanyang pamamahay.

Napag-alaman rin na ito ay walang trabaho at isa habal-habal drayber na residente rin sa lugar.

Nakuha rin galing sa operasyon ang 10 pakete ng sa hinihinalang shabu galing sa suspek.

-- Advertisement --