-- Advertisements --
BOC smuggled cigarette 2
IMAGE | Bureau of Customs

Aabot sa P6.5-million na halaga ng ipinuslit na sigarilyo ang nakulimbat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Malabon City.

Batay sa ulat ng BOC, sa isang warehouse sa Brgy. Tugatog natunton ang mga smuggled cigarette noong Miyerkules.

Sa pangunguna ng kanilang Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT), nasamsam ang nasa 196 master cases ng iba’t-ibang brand ng smuggled na sigarilyo.

Inaalam pa raw ng mga opisyal ang pagkakakilanlan ng may-ari ng warehouse at mga produktong nasabat.

Ayon sa ESS-QRT ng BOC, mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act ang mga matutukoy na nasa likod ng pagpupuslit ng mga sigarilyo. Pati na sa mga probisyon ng National Internal Revenue Code of the Philippines dahil sa pamemeke ng tax stamps.