-- Advertisements --
Ipinagkaloob na ng Department of Agriculture (DA) ang pondo para sa paglikha ng permanenteng KADIWA store sa Limay, Bataan.
Ayon kay Agricuture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nasa P5 million ang inilaang pondo para sa kadiwa store sa lalawigan para palakasin ang pagsisikap ng pamahalaan para sa seguridad sa pagkain at mas magandang kita para sa mga magsasaka.
Inihayag din ng DA na ang proyekto ay magkakaroon ng trading capital na nagkakahalaga ng P1 million para suportahan ang kadiwa center.
Magbebenipisyo ang alokasyong pondo sa halos 4,000 miyembro ng 28 kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka sa naturang probinsiya.