Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng inisyal na P50 million para sa emergency employment ng mga displaced workers sa Ilocos region at Cordillera Administrative Region dahil sa magnitude 7 na lindol.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, magbibigay ng trabaho ang kagawaran para sa mga biktima ng lindol sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Saklaw aniya ng naturang programa ang apat na bayan sa Cordillera administrative region na pinakanaapektuhan ng lindol.
Sa katunayan, sinimulan na ng DOLE ang profiling ng mga benepisyaryo para sa TUPAD program.
Ayon sa kalihim nasa 800 emergency workers mula sa Ilocos region ang naatasan ng ahensiya para sa clearing at recycling operations sa Vigan City sa ilalim ng naturang programa.
Gayundin sa pitong iba pang bayan sa Ilocos Sur.
Pinaplantsa na rin ang emergency employment na ibibigay sa tatlo pang probinsiya sa Ilocos region kabilang ang Ilocos Norte, Pangasinan at La Union.