Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final 12 na Gilas members na sasabak sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa Agost 5 sa Jeddah, Saudi Arabia.
Pinangungunahan ito ni Justin Brownlee, AJ Edu, Kevin Quiambao, Jamie Malonzo, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Dwight Ramos, Japeth Aguilar, Calvin Oftana, Chris Newsome, CJ Perez at Carl Tamayo.
Ang nasabing napili ni Gilas coach Tim Cone ay walang pinag-iba sa isinabak niya sa Asia Cup Qualifiers final window noong Pebrero.
Inamin ni Cone na alanganin sana maglaro si Oftana subalit nabigyan ito ng go-signal ng kaniyang medical team.
Ganun din si Fajardo na maglalaro kahit na mayroon itong calf injury.
Hindi naman nakasama sa listahan sina RJ Abarrientos, Troy Rosario, Rhez Abando at Zavier Lucero.
Unang makakaharap ng Gilas ang Chinese Taipei sa Agosto 6 ng alas 2 ng hanpon na susundan ng Australia sa Agosto 7 at Iraq naman sa Agosto 9.