-- Advertisements --

Ngayong Valentine’s day, sa halip na tradisyunal na pagbibigay ng rosas at tsokolate, isang panukalang batas na naglalayong taasan ang sahod ang regalo ng Makabayan bloc para sa mga guro.

Ito ang House Bill No. 9920 na inihain nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Kabataan Rep. Raoul Manuel at ACT Teachers Rep. France Castro.

Layunin nito na maitaas ang minimum monthly salary ng mga guro sa P50,000.

Sa explanatory note, sinabi ng mga mamababatas na umaasa silang mapunan na ang puwang sa pagitan ng sahod ng mga guro at cost of living ng mga ito gayundin matugunan ang distortion dulot ng pagdodoble ng entry-level pay ng military at uniformed personnel.

Sakaling maipasa ito, madodoble ang kasalukuyang basic wage ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ng P27,000 kada buwan ayon kay Cong. Vastro, ito ay katumbas ng Salary Grade 15 sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Liban dito, layon din ng panukalang batas na magkaroon ng taunang adjustment sa sahod ng public school teachers at education support personnel para makasabay sa kanilang cost of living.

Top