-- Advertisements --
Bike lanes

Nakalaan na ang P500million upang ayusin at magtayo ng karagdagan pang mga linya na madadaaanan ng mga bisikleta sa bansa, para sa taong 2024.

Ito ay batay sa nilalaman ng panukalang 2024 National Budget.

Batay sa nakapaloob dito, ang nasabing pondo ay maaaring gamitin sa pagtayo ng dagdag na bike lanes, at pag-aayos sa iba pang mga linya na una nang nasira dahil sa ibat ibang mga kadahilanan.

Ito ay bahagi rin ng malawakang active transport program (ATP) ng kasalukuyang administrasyon.

Maalalang una nang sinabi ng DOTR na plano nitong makapagtayo ng hanggang sa 2,400 na kilometro ng mga bike lanes sa buong bansa, bago matapos ang termino ni PBBM.