-- Advertisements --

Kompleto na umanong naipamahagi ng DSWD sa 1,400 na local government units (LGUs) ang first tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, nasa kamay na lang ito ng mga lokal na pamahalaan kung paano mabilis na maibibigay sa mga nangangailangan.

Sa record ng ahensya, P50 billion ang kabuuang nailabas na para sa 9.4 million beneficiary ng SAP.

Pero paalala ni Bautista, kailangang makompleto ng mga lokal na pamahalaan ang tamang liquidation nito para maisunod ang second tranche ng tulong.

Pinaiimbestigahan na rin ng opisyal ang mga sumbong na may mga hindi kwalipikadong napagkalooban ng cash assistance, habang may mga nadoble rin ng ayuda sa loob ng isang pamilya.