Nasa P5.7 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa isang high-value target sa ikinasang operasyon sa Cebu City, Sabado ng gabi.

Nakilala ang naarestong drug suspek na si alyas Jhonrey, 36-anyos at umano’y miyembro ng isang drug syndicate na nag-ooperate sa Central Visayas.

Nakuha mula sa suspek ang nasa 850 gramo ng hinihinalaang shabu.

Aminado naman ang suspek na nagawa niya magbenta ng iligal na droga dahil sa kahirapan.

Kulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.