-- Advertisements --

NEA1

Sumampa sa Php 41 Million ang halaga ng naitalang pinsala sa mga Electric Cooperative sa bansa bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon “Karding.”

Ito ay batay sa ulat na inilabas ng National Electrification Administration- Disaster Risk Reduction and Management Department.

Batay sa report, ay may pinakamalaking pinsala na naitala ay mula sa Nueva Ecija 1 Electric Cooperative Inc. (NEECO 1) na umabot ng mahigit Php 23 Million.

Sumunod ang Quezon Electric Cooperative II(QUEZELCO II) na nakapagtala ng Php 6,267,012 pinsala at Nueva Ecija Electric Cooperative II Area 2(NEECO II) na may Php 5,849,167.63 pinsala.

Dagdag pa ng NEA, agad naman ito tinugunan, sa ngayon nasa kabuuang 97.97% koneksyon na naapektuhan ng bagyo ang napailawan na ulit ng mga electric cooperative.

Ayon sa NEA, katumbas ito ng mahigit 6.49 million consumer connections.

Sa ngayon tuloy tuloy pa ang power restoration sa ilan pang lugar na hinagupit ng bagyo.