CEBU CITY – Hindi bababa sa P400,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Cebu nitong umaga.

Batay sa ulat, aabot sa 50-grams ng pinaghihinalaang shabu na may halagang higit P300,000 ang nakuha sa isang Melchita Cena sa isinagawang operasyon sa Brgy. Mabolo .

Samantala, arestado rin ang isang Merry Ann Sabanal nang makumpiskahan ng 9-grams ng sinasabing iligal na droga na nagkakahalaga naman ng higit P60,000.

Sa ngayon, nakakulong na sa Carbon Police Station ang dalawang naaresto at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.