CEBU CITY – Aabot sa mahigit P4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa buy bust operation sa Sitio Mahayahay 2, Barangay Pasil sa Cebu City kagabi.

Huli sina Jither Parba Bacante, 19-anyos, at ang kasama nito na si Dave Pearson Cabije, 20, kapwa residente sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang apat na medium sized na pakete ng shabu at 12 malalaking pack ng shabu.

May bigat itong 620 grams at may katumbas na halaga na P4,216,000.

Patuloy namang iniimbestigahan ang source ng naturang mga shabu.