Nakuhanan ng nasa P4-milyong halaga ng shabu ang dalawang African at isang Pinay sa isinagawang anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa lungsod ng Makati nitong Martes ng gabi.

Nasa edad 30 at 40 na Cameroonian at isang 24 na Pinay na asawa ng isang African ang naaresto sa Barangay Forbes Park.

Ayon sa PDEA matapos na makabili ang kanilang asset ay agad nilang inaresto ang mga ito habang nasa isang gasolinahan sa Makati City.

Bukod sa Metro Manila ay nagbebenta rin ang mga suspek sa Pampanga at Bulacan.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.