-- Advertisements --
image 282

Aabot na sa P4.5 million na tulong pinansiyal ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 300 rice retailers sa 3 lungsod sa Metro Manila na apektado ng pinaiiral na price cap sa regular at well-milled rice.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakapagpamahagi na ng tulong pinansiyal ang kagawaran sa 300 maliliit na retailers sa Quezon city, San Juan at Caloocan simula noong Sabado.

Karagdagang 400 maliliit na negosyante din ng bigas ang makakatanggap ng P15,000 na tulong pinansiyal ngayong araw sa Paranaque, Navotas at Zamboanga region.

Ayon pa sa kalihim, maglalaan ang pamahalaan ng P1 billion para sa livelihood program para sa mga apektadong retailer.