-- Advertisements --

Pinuna ng ilang kongresista ang alokasyon para sa confidential at intelligence fund ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa proposed 2021 budget ng OP, natukoy na P4.5 billion ang pondong inilalaan para sa confidential at intelligence funds sa 2021.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, mas makabubuti kung ang halagang ito ay ilaan na lamang sa kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan lalo ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

Pero iginiit naman ni Deputy Executive Sec. Alberto Bernardo na mas higit na kailangan nga sa ngayon ang malaking pondo sa confidential at intelligence fund ng OP dahil kahit mayroong pandemya ay may mga terorista pa ring nagagawang magsamantala sa sitwasyon.

Inihalimbawa nito ang nangyaring dalawang magkahiwalay na pagsabog kamakailan sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Bernardo, mayroong mga kumikilos upang sa gayon ay mapabagsak ang seguridad ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang OP ay mayroong PP8.238 Billion na hinihinging pondo para sa susunod na taon.