Aabot sa P4.5 billion halaga ng confidential at intelligence funds para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihingi ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng P5.024 trillion proposed budget para sa susunod na taon.
Nakapaloob ang halagang ito sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Ehekutibo sa Kongreso kahapon, Agosto 23.
Ang P4.5 billion proposed budget ay kaparehong halaga ng confidential at intelligence fund na nakuha ni Pangulong Duterte sa ilalim ng 2021 national budget.
Ang halagang ito ay higit sa kalahagi ng proposed P8.2 billion budget ng Office of the President para sa susunod na taon.
Bukod dito, ang P4.5 billion na confidential at intelligence fund ay mas mataas kumpara sa pondong inilalaan ng OP sa personnel services na aabot lamang sa P1.17 billion at capital outlay na P574 million.
Sa ilalim ng umiiral na mga polisiya, ang audit sa confidential at intelligence funds ay hindi isinasapubliko dahil na rin sa issue sa national security