-- Advertisements --

Umabot sa P38.7 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad noong Sabado, Abril 11, sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu na humantong sa pagkaaresto ng tatlong indibidwal.

Unang naaresto ng City Intelligence Unit sa Brgy. Maguikay lungsod ng Mandaue ang isang 44 anyos na babaeng kinilalang si Romina Perez alias MinMin matapos makumpiska mula sa posisyon nito ang 1.5 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10.2 million pesos.

Sa isinagawang operasyon naman sa Brgy. Bulacao lungsod ng Talisay, isang dating preso ang nahuli matapos nasabat ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7.4 million pesos.

Nakilala ang naaresto na si Patrick Igoy, 33 anyos at residente ng Brgy. Hipodromo nitong lungsod.

Sa kabilang banda, isang tatlong buwang buntis naman ang nahuli sa isinagawang operasyon sa Sitio Soong 2, Brgy. Mactan lungsod ng Lapu-lapu.

Arestado si Pamela Legaspo, 43 anyos na tubong Surigao del Sur ngunit kasalukuyang nakatira sa Barangay Tipolo, Mandaue City, matapos makuha mula sa posisyon nito ang mahigit tatlong kilo ng shabu na isinilid sa Chinese tea bag at tinatayang nagkakahalaga ng P21 million pesos.

Inihayag ni Lapu-lapu City Police Office Director P/COL Elmer Lim, na naaresto sa kasong pagnanakaw si Legaspo noong 2010 sa Maynila.

Sinabi pa ni Lim na isa itong high-value individual na kabilang sa drug watchlist.

Dagdag pa, ni-recruit umano ang suspek sa kanyang pinsan para maghatid ng iligal na droga at naatasang mag-operate sa Mandaue City at Lapu-Lapu City.

Samantala, nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.