Umaabot sa P36-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa isinagawang anti-drug operations sa Lungsod ng Pasay.

Naaresto sa mga suspek ng kumagat sa buy-bust operations.

Tumambad sa mga kapulisan ang anim na kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa mga sasakyan ng mga suspek.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na nag-ooperate ang mga suspek sa malaking bahagi ng Luzon.