-- Advertisements --

Aabot sa karagdagang P33 billion ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para makapagbigay ng laptops sa lahat ng mga guro sa gitna ng distance learning schemes.

Sinabi ito ni DepEd Undersecretary Alain Pascua sa budget deliberations ng House committee on appropriations kaninang tanghali.

Bukod sa P33 billion, sinabi ni Pascua na karagdagang P4 billion ang kakailanganin ng kagawaran para naman sa data connectivity ng mga guro sa susunod na taon.

Ayon kay Pascua, nakatulong sa kanila ang Bayanihan 2, na napaso noon pang Hunyo, para makapagbigay ng mga laptops at data connectivity sa ilang libong mga guro.

Bagama’t mandato ng Department of Informations and Communications Technology ang ang pagresolba sa issue sa data connectivity, sinabi ni Pascua na may mga solusyon na tinitingnan ang DepEd sa kung paano makapagbigay ng maayos na data connections hindi lamang sa mga guro kundi pati sa mga estudyante.