-- Advertisements --

Binayaran na umano ng “buo” ng pamahalaan ang natitirang P300 bilyon na provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong araw.

Mas maaga kaysa sa petsa ng maturity na June 11 ayon sa Department of Finance (DOF).

Ito ay alinsunod na rin sa layunin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na “unwinding liquidity support” mula sa BSP bago magsimula ang susunod na administrasyon.

Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang gabinete ay bababa sa puwesto sa Hunyo 30.

Sa pahayag na inilabas ng DOF, ang maagang pagbabayad ay naging posible sa pamamagitan ng mas maaga kaysa sa inaasahang pagbabalik ng ekonomiya sa pre-pandemic strength.

Lumawak ng 8.3 porsiyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang quarter, dahilan upang ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa rehiyon ng ASEAN para sa panahong iyon.

Ang provisional advance ay isang panukala sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7653 o The New Central Bank Act na nagpapahintulot sa BSP na palawigin ang short term financing sa gobyerno ng hanggang 20 porsiyento ng average na taunang kita sa nakalipas na tatlong taon.