CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapasagot na ng Bureau of Customs Cagayan de Oro District ang umano’y consignee na nagpalusot ng bagamat segunda mano subalit mamahaling sasakyan mula sa South Korea papasok sa puerto ng Mindanao Container Terminal sa Tagoloan,Misamos Oriental.
Kaugnay ito sa pagka-kompiska ng dalawa lang naman na porsche cars na nagkahalaga ng P30 milyon na dumaong sa MCT ng lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni CdeO Por District Intelligence and Investigation Service head Oliver Valiente na pumasok ang kontrabando mula South Korea sa pangatlong linggo nitong buwan at tuluyang nabuksan nang makompirma na hindi truck replacement parts ang laman ng container van mismo ngayong linggo.
Ito ang dahilan na naglabas na ang ahensiya ang seizure and detention order upang lulutang ang umano’y nasa likod ng M.Aguila Car Trading para patunayan na hindi ilegal ang kargamento.
Sinabi Valiente na hayagan itong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act kaya inihanda na ng kanilang legal department ang kaukulang kaso laban sa mga sindikato na nagtangkang ipuslit ang kontrabando dito sa Northern Mindanao region.