Aabot sa P3 milyong piso halaga ng hinihinalaang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy bust operation sa Makati kaninang umaga.

Arestado sa operasyon ang isang 61-anyos na babae na kilalang drug pusher sa may Barangay Guadalupe Nuevo.

Tinukoy naman ng PDEA na isang Taiwanese national umano ang pinagkukuhanan ng droga ng suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang naarestong suspek.

Nasa kalahating kilo ng droga ang nasabat sa suspek.