-- Advertisements --

cpnpguillor2

Tinatayang P265 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng siyam na araw at resulta sa ikinasang 1,121 anti-illegal drug operations mula May 1 hanggang nitong Mayo 9.

Ayon kay PNP hief Gen. Guillermo Eleazar, ito ay dahil sa pinalakas at pinainit pang kampanya laban sa iligal na droga.

Nitong Linggo kasabay ng Mother’s Day, nasa P150 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PDEG (PNP-Drug Enforcement Group) at Philippine Drug Enforcement Agency sa Pasig City kung saan patay ang dalawang drug suspek.

Ipinagmalaki naman ni Interior Secretary Eduardo Ano ang accomplishment ng PNP kung saan kabilang sa mga nakumpiskang illegal items ay 29.98 kilos ng shabu at 516.9 kilo ng marijuana.

Nasa 1,543 suspek ang kabuuang naaresto, 19 ang patay at 38 ang sumuko.

Samantala, 18,862 na indibidwal ang dinakip ng PNP dahil sa hindi pagsusuot ng face mask mula May 6 hanggang May 10.

Sa datos na isinumite ng PNP kay Sec Ano, sa nasabing bilang ng mga hinuling face mask violators 9,379 dito ang binalaan pa lamang, 8,027 ang pinagmulta, 491 ang sumailalim sa community service, 904 ang dinakip at 64 ang isinailalim sa inquest proceedings.

Ang pag-aresto at ng PNP ng mga face mask violators ay batay sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa 5,473 individuals naman ang nahuli dahil sa paglabag sa physical distancing.

Sa kabilang dako, kinumpirma ng kalihim na inaresto na ng PNP ang barangay chairman ng Barangay 171 ng Caloocan City at ang pagsasampa ng kaso laban sa may-ari ng kontrobersyal na Gubat sa Ciudad resort.

Nilinaw naman ng PNP chief na agad ding papauwiin ang mga violator at hindi naman paparusahan o sasaktan ang mga ito.